Saturday, March 28, 2009

Nasa HANAP

Nagtataka ba kayo minsan kung nasaan ang cellphone ninyo? O 'di kaya eh wallet, favorite na t-shirt o pares ng sapatos o tsinelas? Nasasabihan tayo tuloy na BURARA. 'Di marunong magpahalaga sa binigay o mga personal na gamit...(asus lahat naman ay nakakaranas nito, maaaring pagkakataon lamang o intentional) Bakit kaya ang ating buhay ay napa-hiwaga? Natanong niyo na ba sa inyong mga sarili kung bakit kayo nabubuhay? Kung bakit ka nakakaranas ng mga pighati o tuwa? Baka sa ibang banda eh sabay ka lang nang sabay sa daloy ng mundo. Lumaki ako sa Katolikong pamilya...Pangatlo sa limang magkakapatid. Hindi naman salat pero sakto lang na maranasan ang lahat sa buhay. Minsan angat sa iba, minsan naghahangad na merong kakaiba. Sa musmos kong edad, ako'y mulat sa hirap na pwedeng suungin sa buhay. Naturingang matalino. Oo nga at palaging nasa listahan ng mga estudyanteng magtatapos sa bawat baitang at merong pakonswelo sa mga magulang kahit paano. Ang obsesyon na maging una palagi ay nasa puso at isipan lagi. Proud baga sa sariling abilidad. Mahirap tumanggap ng pagkatalo at ayaw makinig sa mga suggestions o kaya corrections. Ang bilis talaga ng panahon. Dati ay patakbo-takbo lang ako sa kalsada kalaro ang mga kababata, pero ngayon ay nagbabanat na ng buto para mabuhay. Nakaka-miss maging bata. Nakakatuwang balikan ang mga masasayang alaala ng ating kamusmusan. Bakit ako nangingiti ngayon habang nagsusulat? Hehehe! Masaya lang talaga ang naging kabataan ko. Sa Spiritual Life ko, nasaang level na ba ako... I always thought na personal lang ito, which is true. Religion can not save you. Ang buhay ko at ng pamilya ko naman ay hindi perpekto. We are living in a way na tama at hindi nang-aagrabyado. Deboto? Hindi naman! Syempre marami ring mga problema. With my young faith, napaka-rupok ko sa mga hatak ng kaaway..hmmm wondering kung ano ang mga iyon? Just ask me or just wait for my revealations. Walang pwersahan!!! Lately, I've been joining services with Born Again Christians with my cousin Len. Like I always say, "Wala ako against any religion." Isinama niya ako simula ng dumating ako sa Vietnam. 9 months na rin ako na dumadalo. Sometimes, I don't feel anything sa mga services. Sometimes, kulang na lang maging totohanan ang dream ng pinsan ko na maging PASTOR ako. Sa tagal ng stay ko dito sa bansang ito, pabalik-balik lang ang mga shortcomings na meron ako. Sa mga repetitive sins na meron ako. Nakakahiya na kay Lord. Sa mga nakalipas na linggo, marami na naman akong naranasan. Mga panghihina dahil sa sitwasyon ko sito. Sa mga inaalala sa Pinas. Sa mga personal kong mga dreams na hindi pa natutupad. Pero kung susumahin mo nga naman ang spiritual growth ko with their group, mantakin mong wala itong sinabi sa tagal ko nang Katoliko. In fact Catholic din sila dati, converted lang. When I sought reactions sa family ko about me joining their group, okay naman ang result maliban lang sa aking lola, hindi siya pabor o payag kung magpapa-convert ako. Until now, hanging pa rin ako sa desisyong iyon. Nakakatuwa nga on how God is continuously working and guiding me. Sa walk ko with HIM, hindi ko talaga alam kung anong mga pagbabago ang gagawin niya sa buhay ko. Sa kanyang mga blessings, provisions at pag-iingat ay hindi ako nagkukulang. Amazing diba? Sa unang pagkakataon kasi, dito lang ako nakakita ng mga taong matatatag ang faith. How they worship the Lord, talagang saludo ako. Gusto ko rin magkaroon ng ganung relasyon with the Lord. Honestly, dami kong mga wrong attitudes na dapat i-correct. Meron nga one time sa Bible study namin ay ako ang facilitator, about the Word of God ang topic...Naman!!! I'm not so sure kung worthy ako na mag-share kasi baka mahaluan ng hindi tama ang mga sasabihin ko. It was a great experience for me. Eto pa, marami din akong mga encounter sa mga friends na nangangailangan ng comfort, how God guided me so much with the words to say! As in marami ang nako-correct sa akin. Sana mai-surrender ko na lahat ng kahinaan ko sa KANYA. Alam kong nahanap na ako ni Lord. Can't really wait sa gagawin ni Lord sa buhay ko. Sana mahanap ko na ang sarili ko.

Monday, March 9, 2009

G.I.M.P.E.R.

A gimper is someone who always does a little more extra from what is required or expected.

Nakakatuwa hindi ba? Kung ang lahat ng tao ay ganito, kamusta kaya ang buhay natin? Magiging masaya kaya o pareho lang din? When I first encountered this word, sinabi ko sa sarili ko, "Meron bang pagkakataon na naging ganito ako?" (of course meron, hehehe!)

Lumaki naman ako sa pamilyang busog sa pagmamahal. Ang mga magulang ko ay mapag-aruga. Growing with them, na-acquire ko naman ang ganitong pakikitungo. I was taught na sa kahit anong gawin ko ay dapat nasa ayos, walang masasagasahan at higit sa lahat nag-eenjoy ako.

This gimper word, hindi ko alam kung bakit ako binubulabog nito!

I was reading this small book, "The Prayer of Jabez." I wanted really to increase my prayer life. I wanted to have a breakthrough. Many times na nag-try na ako na maging faithful. Sa una, okey pa naman pero 'pag lumaon na...ayan balik na naman ako sa dati kong gawi. Nakakahiya! Palagi nalang kung meron akong gustong baguhin eh ang hirap kong mapag-tagumpayan. Alam ko nasasaakin naman ang kasagutan eh. Makukwento nalang ako sa susunod...

Sunday, March 8, 2009

Happy Women's Day

Rarely do I say, "I love you." Nakakahiya mang aminin eh, iyon talaga ang katotohanan. Hindi ako expressive when it comes to LOVE, but i do care for my family and friends.

Dito ngayon sa Viet Nam ay "Women's Day." A celebration that is not oftenly celebrated sa Philippines. Nakakatuwa kasi sila ay bigay todo sa celebration na ito.

Women have had played a vital role in our society. Their figure stands out and reflects complexity and power. I really admire the works of them. Umpisa na lang sa pagiging ina. Ang kanilang trabaho sa loob ng bahay ay hindi biro-biro. Ang panahon lalo na ang pag-aasikaso ay hindi talaga mapapantayan.

Ang mga kababaihan nga ay nakaka-bilib. Hindi mo sila pwedeng limitahan sa pwedeng nilang gawin. For the sacrifices and victories they've accomplished, wala na ang tradisyunal na kimi at tahimik na Eba.

I would like to name special women sa buhay ko...

Una siyempre ang NANAY ko. Isa siya sa mga inspirasyon ko sa buhay. Di siguro malalayo kasi palagi akong naka-buntot sa kanya mula noong bata pa ako. Mama's BOY nga eh...Marami akong natutunan sa kanya. Marami din akong pagkukulang (sana nga i can be that BOLD na sabihin lahat ng nararamdaman ko sa kahit sino sa mahal sa buhay ko). Hindi ko nga alam ang favorite color o pagkain niya eh. Ganyan ako kalala. Maaari kayong mahabag sa akin (hehehe). Gusto kong maibigay ang lahat ng comforts sa buhay natin, syempre pati na rin sa TATAY ko.

Pangalawa ang Ate ROSEL ko. Isa siya sa mga tinitingala ko sa pagpupunyagi. Siya ay espesyal sa akin. Nasa Egypt siya ngayon (isa siyang NARS). Kaming dalawa ay nangibang bansa para makatulong sa pamilya. Hindi ko man alam ang kaniyang mga pagtitiis, alam kong masaya din siya sa pagtulong. Siya ay minsan mahina ang loob at inosente sa ilang mga bagay pero dun ko siya hinahangaan. I'm really excited sa pagbabakasyon naming dalawa sa JULY. Hope to catch up sa mga times na kahit ym chat ay hindi sapat.

Pangatlo ang Ate CHENG ko. Siya ay pangalawa sa aming magkakapatid. Dati siya ang "black sheep" namin. Hindi naman sa todong sama niya pero nalihis lang ng landas dahil sa hatak ng environment. She is funny. She loves cooking and of course, is a great cook. Magkasundo kami sa mga trip na kainin. Magkasundo din kami sa mga panlalait ng mga nakikita namin (bad ko din ba?). I know she had struggles sa buhay. Lalo pa at may pamilya na siya. May isa na rin akong pamangkin sa kanya (si Chenee ABCDE). I feel sorry dahil maraming beses ko din siyang nasungitan. I have been very bad sa dealings ko sa kanya. I know I've been proud of my status before, hindi ko iniisip na nakakasakit na ako ng damdamin. Pasensya na Ate Cheng.

Pang-apat ay si Lola GENING. Siya ang nagpa-aral sa aming magkakapatid. Sa kanyang mga sakripisyo sa states, minsan hindi ko ito napahalagahan. I love her dearly. How I wish to spend time with her at ako naman ang magbigay sa kanya ng kaginhawaan. Gusto ko nga na makapunta rin sa states para matulungan ko siya at maalagaan. Time will come siguro and with the grace of GOD na makakapiling ko siya kasama ng mga relatives ko doon. With my Christian life now, isa siya sa mga kontra dito. But I know that she will understand me.

Pang-lima ay si Mommy BABY. Isa siya sa mga tita ko na ubod ng bait at maalaga. She is taking good care of my needs dito sa Viet Nam. Ipinaglalaba niya ako (nakakahiya man). Of course, magaling siya magluto. The "best" talaga! Alam ko rin mga piling kabanata ng buhay niya. Nakaka-inspire din. Ang iba ay nakakatuwa. Ang iba ay mga hapis din dulot ng mga napag-daana sa buhay. She is very vibrant. Sa kanyang age ngayon, hindi mo aakalaing matanda na siya. She is full of energy na nakaka-hawa. Hindi ko nga siya nati-treat ng kahit ano pero hindi siya nagrereklamo. Ever understanding siya!

Pang-anim si Ate LEN. Anak siya ni Mommy Baby. Siya ang ginamit ng Lord na papuntahin ako bansang ito. Hindi man kami ganoong ka-close, mula sa pagdating ko ay napaka-maaasahan niya. Siya ang nagbigay ng una kong estudyante na hanggang ngayon ay tinuturuan ko pa rin. Sa lahat ng teachings niya sa buhay ay talagang thankful ako. Dito ako nagsimulang magbago (naks! parang bagong laya lang). Marami akong dapat ipagpasalamat sa buhay niya pero alam na niya iyon. SUPER!

Pang-pito...si Tita LUTCHIE. Sa aking kamusmusan, nakamulatan ko na rin siya. Mapag-bigay siya. She is always open and happy. She treated me good. Feeling ko pa nga ako ang pet niya sa aming magkakapatid. Hindi ko man lang nasuklian iyon. GOD will bless her for her generosity...

Pang-walo...si Ate GICA. She was my mentor sa university days ko. A big help sa studies ko din. Minulat niya ako sa mundong ginagalawan when it comes to work. I know naging pagpapala siya sa akin. Hindi ko man siya makontak ngayon o wala man lang kaming communication, I'm hoping na magkikita kami sa future. Thanks much ate GICA!

Pang-siyam...si Kumareng ZEN. Siya ang kauna-unahang kumare ko (sa tanda kong ito...hehehe). Matagal ko na siyang nakasama. With my young years sa call center industry, andoon na siya na nakaagapay sa akin. She was my first mentor sa outbound sales. My best sales buddy. Talagang magkasama kami sa hirap at ginhawa ng mga accounts. Noong nag-resign ako sa una naming company, ng-resign din siya kasi hindi na kami masaya at wala ng growth sa amin doon. Magkasama pa rin kami sa sumunod kong company (which is ICT). I miss her so much! I love my kumare!

Pang-sampu ay si ABCDE. Siya ang bukod tanging pamangkin ko. She is smart. Busog siya sa pag-aalaga sa bahay. Spoiled sa nanay at tatay ko. Di ko masabi kung naging spoiled din siya sa akin. I love her eyes! Wish ko ay tumaba siya ng konti (payat din kasi siya katulad ko). At heto ang pamatay na bilin niya sa akin dito, mga "Hello Kitty" stickers at erasers. Nakakatuwa naman talaga ang batang ito.

Praise GOD! Sa mga ginamit na buhay ni Lord na patuloy na nananalangin para sa akin.

Sa lahat ng mga babaeng kaibigan ko, mga naging kaklase (mula kinder, elem, HS at kolehiyo), mga naging kasama sa trabaho, salamat sa pagsama sa akin. Sa inyong friendship! Sa mga tawanan natin, mga tampuhan at kung anu-ano pang mga kaartehan. Pagpasensyahan na ninyo ako sa mga ikinilos ko dati. Kung nakasakit man ako, intensyonal o hindi. I AM REALLY SORRY!

Dito na po nagtatapos ang araw ko (sakit na ng ulo ko eh)...Hanggang sa muli!



funny experience...


Funny nga ba o nakakainis?

Nag-decide ako na bumalik sa pagsusulat one time sa site na ito. Sabi ko sa sarili ko, time na siguro para makapag-release ng stress. Naka-gawa ako ng account ko, lahat okey na. Nakapag-sulat na ako ng isang blog entry (basta anu lang ang topic), dahil sa kawalan ng kaalaman sa paggamit ng site na ito (wala kasi ako sipag gumawa online ng mga OBRA, hehehe) nabura ko siya ng hindi ko man lang na-save...kawawa naman ako!!!

Hindi ko na inulit kasi hindi ko naman dinibdib ang pagsusulat noong gabing iyon. Hirap pala gumawa ng entry kung sa tinagal ng panahon eh hindi ka man lang nagsusulat kahit isang lang talata o isang maikling tula man lang sa isang araw! hehehe

"At least ngayon, makakapag-bulay-bulay na ako at hopefully makapagtuluy-tuloy ako sa pag-susulat."
Na-miss ko rin ang pagsusulat. Hindi kasi ako masalitang tao (hmmm...hindi daw?). May magagalit yata sa sinabi kong ito, hahaha. Pero totoo din iyon, nandoon pa rin kasi ang intimidation ko sa lahat ng taong nakakasalamuha ko.

Thursday, March 5, 2009

homesick ba ako?

Sa tinagal ng pag-tatrabaho ko na malayo sa pamilya, hindi ko alam kung naisip ko ang salitang "homesickness."

Hindi ko talaga alam kung naramdaman ko siya o talagang manhid ako minsan. O baka palagi akong manhid, hehehe! Masaya ang mag-isa! Masaya rin ang may kasama sa buhay (pamilya iyan ha?). Noong nag-umpisa ako sa "call center" hindi ko mawari kung anong kaligayahan na mapawalay sa Pangasinan...Dun kasi ako lumaki, nag-kaisip at nag-aral. Sa simpleng buhay ako namulat. Hindi naman kami salat sa mga ginhawa ng buhay, sa madaling salita okey ang buhay namin.

Nakakatuwa dahil sa mga sandaling ako lang ang namumuhay na mag-isa natutunan kong mag-banat ng buto. Hirap man ay naranasan ko din. Syempre hindi naman ako perpekto pero nakakatulong din naman sa mga magulang. Kahit sa konting halaga ay nakakapag-bigay din ako. Ang kalayaan ko ay kakaiba. Lahat nagagawa ko na. Pwede sa labas ng umaga, mag-linis man o hindi ng kwarto okey lang. Syempre kasama na dun ang mga ibang gawain. Hindi naman ako ganung kabanal. Nagkakamali din. Pero syempre hindi ito ang pokus ng istoryang ito.

Sa bawat araw hindi ko alam kung nagagawa ko bang ma-miss ang pamilya ko. Ano ba ang meron ako? Siguro masyado na akong namuhay nang mag-isa. Gusto ko rin namang ibigay sa kanila ang ginhawa ng buhay! Mahal ko sila...

Siguro ang estado ko ngayon ay isa sa mga hindi ko maintindihang yugto ng buhay ko.