Nagtataka ba kayo minsan kung nasaan ang cellphone ninyo? O 'di kaya eh wallet, favorite na t-shirt o pares ng sapatos o tsinelas? Nasasabihan tayo tuloy na BURARA. 'Di marunong magpahalaga sa binigay o mga personal na gamit...(asus lahat naman ay nakakaranas nito, maaaring pagkakataon lamang o intentional) Bakit kaya ang ating buhay ay napa-hiwaga? Natanong niyo na ba sa inyong mga sarili kung bakit kayo nabubuhay? Kung bakit ka nakakaranas ng mga pighati o tuwa? Baka sa ibang banda eh sabay ka lang nang sabay sa daloy ng mundo. Lumaki ako sa Katolikong pamilya...Pangatlo sa limang magkakapatid. Hindi naman salat pero sakto lang na maranasan ang lahat sa buhay. Minsan angat sa iba, minsan naghahangad na merong kakaiba. Sa musmos kong edad, ako'y mulat sa hirap na pwedeng suungin sa buhay. Naturingang matalino. Oo nga at palaging nasa listahan ng mga estudyanteng magtatapos sa bawat baitang at merong pakonswelo sa mga magulang kahit paano. Ang obsesyon na maging una palagi ay nasa puso at isipan lagi. Proud baga sa sariling abilidad. Mahirap tumanggap ng pagkatalo at ayaw makinig sa mga suggestions o kaya corrections. Ang bilis talaga ng panahon. Dati ay patakbo-takbo lang ako sa kalsada kalaro ang mga kababata, pero ngayon ay nagbabanat na ng buto para mabuhay. Nakaka-miss maging bata. Nakakatuwang balikan ang mga masasayang alaala ng ating kamusmusan. Bakit ako nangingiti ngayon habang nagsusulat? Hehehe! Masaya lang talaga ang naging kabataan ko. Sa Spiritual Life ko, nasaang level na ba ako... I always thought na personal lang ito, which is true. Religion can not save you. Ang buhay ko at ng pamilya ko naman ay hindi perpekto. We are living in a way na tama at hindi nang-aagrabyado. Deboto? Hindi naman! Syempre marami ring mga problema. With my young faith, napaka-rupok ko sa mga hatak ng kaaway..hmmm wondering kung ano ang mga iyon? Just ask me or just wait for my revealations. Walang pwersahan!!! Lately, I've been joining services with Born Again Christians with my cousin Len. Like I always say, "Wala ako against any religion." Isinama niya ako simula ng dumating ako sa Vietnam. 9 months na rin ako na dumadalo. Sometimes, I don't feel anything sa mga services. Sometimes, kulang na lang maging totohanan ang dream ng pinsan ko na maging PASTOR ako. Sa tagal ng stay ko dito sa bansang ito, pabalik-balik lang ang mga shortcomings na meron ako. Sa mga repetitive sins na meron ako. Nakakahiya na kay Lord. Sa mga nakalipas na linggo, marami na naman akong naranasan. Mga panghihina dahil sa sitwasyon ko sito. Sa mga inaalala sa Pinas. Sa mga personal kong mga dreams na hindi pa natutupad. Pero kung susumahin mo nga naman ang spiritual growth ko with their group, mantakin mong wala itong sinabi sa tagal ko nang Katoliko. In fact Catholic din sila dati, converted lang. When I sought reactions sa family ko about me joining their group, okay naman ang result maliban lang sa aking lola, hindi siya pabor o payag kung magpapa-convert ako. Until now, hanging pa rin ako sa desisyong iyon. Nakakatuwa nga on how God is continuously working and guiding me. Sa walk ko with HIM, hindi ko talaga alam kung anong mga pagbabago ang gagawin niya sa buhay ko. Sa kanyang mga blessings, provisions at pag-iingat ay hindi ako nagkukulang. Amazing diba? Sa unang pagkakataon kasi, dito lang ako nakakita ng mga taong matatatag ang faith. How they worship the Lord, talagang saludo ako. Gusto ko rin magkaroon ng ganung relasyon with the Lord. Honestly, dami kong mga wrong attitudes na dapat i-correct. Meron nga one time sa Bible study namin ay ako ang facilitator, about the Word of God ang topic...Naman!!! I'm not so sure kung worthy ako na mag-share kasi baka mahaluan ng hindi tama ang mga sasabihin ko. It was a great experience for me. Eto pa, marami din akong mga encounter sa mga friends na nangangailangan ng comfort, how God guided me so much with the words to say! As in marami ang nako-correct sa akin. Sana mai-surrender ko na lahat ng kahinaan ko sa KANYA. Alam kong nahanap na ako ni Lord. Can't really wait sa gagawin ni Lord sa buhay ko. Sana mahanap ko na ang sarili ko.
Saturday, March 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

Reego!!! Welcome sa mundo ng pagboblog!!!
ReplyDelete