Sa tinagal ng pag-tatrabaho ko na malayo sa pamilya, hindi ko alam kung naisip ko ang salitang "homesickness."
Hindi ko talaga alam kung naramdaman ko siya o talagang manhid ako minsan. O baka palagi akong manhid, hehehe! Masaya ang mag-isa! Masaya rin ang may kasama sa buhay (pamilya iyan ha?). Noong nag-umpisa ako sa "call center" hindi ko mawari kung anong kaligayahan na mapawalay sa Pangasinan...Dun kasi ako lumaki, nag-kaisip at nag-aral. Sa simpleng buhay ako namulat. Hindi naman kami salat sa mga ginhawa ng buhay, sa madaling salita okey ang buhay namin.
Nakakatuwa dahil sa mga sandaling ako lang ang namumuhay na mag-isa natutunan kong mag-banat ng buto. Hirap man ay naranasan ko din. Syempre hindi naman ako perpekto pero nakakatulong din naman sa mga magulang. Kahit sa konting halaga ay nakakapag-bigay din ako. Ang kalayaan ko ay kakaiba. Lahat nagagawa ko na. Pwede sa labas ng umaga, mag-linis man o hindi ng kwarto okey lang. Syempre kasama na dun ang mga ibang gawain. Hindi naman ako ganung kabanal. Nagkakamali din. Pero syempre hindi ito ang pokus ng istoryang ito.
Sa bawat araw hindi ko alam kung nagagawa ko bang ma-miss ang pamilya ko. Ano ba ang meron ako? Siguro masyado na akong namuhay nang mag-isa. Gusto ko rin namang ibigay sa kanila ang ginhawa ng buhay! Mahal ko sila...
Siguro ang estado ko ngayon ay isa sa mga hindi ko maintindihang yugto ng buhay ko.
Thursday, March 5, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment